Kasaysayang Panlipunan ng Maynila, 1765-1898 (Second Edition)
Naging isang mahalagang ikutang-pangyayari sa Pilipinas ang ika-labing siyam na dantaon. Marami itong nasaksihan sa larangang pulitikal, ekonomikal, panlipunan at kultural. Sa panahon na ito, nagbukas ang Pilipinas sa mundong pangkalakalan na nagbigay daan sa bagong produktong agricultural na hiling na mga banyagang bansa tulad na asukal, abaka, kape at ultimong bigas. Dahil dito ay nagbukas ng mga konsulado ang iba’t ibang bansa upang pangasiwaan ang kalakalan sa mga nasabing produkto. Naging saksi rin sa dantaong ito ang pagbisita ng mga banyaga na nag-ulat ng kanilang nakita sa Pilipinas. Utang natin sa mga ulat ng konsul at ang mga banyagang bisita ang mayaman na dokumentasyon hinggil sa Pilipinas noong ika-labing siyam na dantaon.
Madalas na nakakaligtaan ang pagtalakay sa dantaon na ito ang paglalarawan ng lipunan ng Maynila na kung tutuusin ang isang lipunan na binubuo ng iba’t ibang lahi. Nariyan ang Peninsulares (mga Espanyol, ang ipinanganak sa Iberian Peninsula), ang Insulares (mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas) at binansagan na Filipino o Creoles, ang katutubo na binansagan na Indio, ang mestizo na madalas ay mestizo Tsino at ang mga purong Tsino. Idagdag pa natin ang mga banyaga - Europeo, Amerikano at iba pang Asyano. Sa madaling sabi, ang lipunan ng Maynila ay masasabing cosmopolitan at multi-racial.
22.75 x 15 x 1cm
One copy only. Previously owned, otherwise good condition.