{"product_id":"bata-bata-pano-ka-ginawa","title":"Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?","description":"\u003cp\u003eDalawa ang anak ni Lea Bustamante—dalawa rin ang ama nila. Hindi sana ito problema para kay Lea, kung hindi lang ito pilit pinoproblema ng ibang tao: ng nagkakaselosang mga ama, ng naeeskandalong prinsipal at mga magulang sa paaralan, at ng iba pang mga taong wala namang kinalaman sa pagpapalaki ng mga anak niya.\u003c\/p\u003e\n\u003cp\u003eMahirap maging ina. Lalong mahirap kung ang mismong mundong kinagagalawan mo’y dinidiktahan ka kung paano ka dapat maging ina. Sa nobelang ito hinahamon ni Bautista ang papel ng lipunan sa pagpapalaki ng kabataan. Pinatototohanan nito na ang anak ay hindi lamang anak, ang ina ay ’di lamang ina, kundi sarili nilang tao.\u003c\/p\u003e\n\u003cp\u003eSi LUALHATI BAUTISTA ay nagsimulang magsulat sa edad na disisais. Ang mga unang kuwento niya’y nailathala sa Liwayway at sa mga antolohiya ng maiikling kuwento. Nakamit niya ang unang gantimpala sa Palanca para sa mga nobelang ’Gapô (1980), Dekada ’70 (1983), at Bata, Bata . . . Pa’no Ka Ginawa? (1984), liban pa sa mga Palanca na nakamit niya para sa mga maiikling kuwento.\u003c\/p\u003e\n\u003cp\u003e20 x 12.5 x 1 cm \u003c\/p\u003e","brand":"Mestiza Press","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":45391037497388,"sku":null,"price":440.0,"currency_code":"PHP","in_stock":true}],"url":"https:\/\/artbooks.ph\/products\/bata-bata-pano-ka-ginawa","provider":"artbooks.ph","version":"1.0","type":"link"}